Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Wāqi‘ah   Ayah:
إِنَّهُۥ لَقُرۡءَانٞ كَرِيمٞ
Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān marangal,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فِي كِتَٰبٖ مَّكۡنُونٖ
na nasa isang Aklat na itinatago,[5]
[5] Ibig sabihin: ang Tablerong Iniingatan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُطَهَّرُونَ
na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَفَبِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَنتُم مُّدۡهِنُونَ
Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتَجۡعَلُونَ رِزۡقَكُمۡ أَنَّكُمۡ تُكَذِّبُونَ
Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَوۡلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلۡحُلۡقُومَ
Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَنتُمۡ حِينَئِذٖ تَنظُرُونَ
habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنكُمۡ وَلَٰكِن لَّا تُبۡصِرُونَ
Kami[6] ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.
[6] sa pamamagitan ng kaalaman Namin, kakayahan Namin, at mga anghel Namin
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَوۡلَآ إِن كُنتُمۡ غَيۡرَ مَدِينِينَ
Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَرۡجِعُونَهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
kayo nagpapabalik [ng kaluluwa sa katawan] nito kung kayo ay mga tapat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Kaya hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَرَوۡحٞ وَرَيۡحَانٞ وَجَنَّتُ نَعِيمٖ
[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَلَٰمٞ لَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ
[magsasabi ang mga anghel sa kanya]: “Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan.”
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ
Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَنُزُلٞ مِّنۡ حَمِيمٖ
[ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَتَصۡلِيَةُ جَحِيمٍ
at isang pagpapasok sa Impiyerno.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلۡيَقِينِ
Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Wāqi‘ah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara