Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin * - Indise ng mga Salin

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān   Ayah:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
كُنتُمۡ خَيۡرَ أُمَّةٍ أُخۡرِجَتۡ لِلنَّاسِ تَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَتَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَتُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِۗ وَلَوۡ ءَامَنَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۚ مِّنۡهُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Kayo [O Kalipunan ni Muḥammad] ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh. Kung sakaling sumampalataya [kay Muḥammad] ang mga May Kasulatan, talagang iyon sana ay pinakamabuti para sa kanila. Kabilang sa kanila ang mga mananampalataya at ang higit na marami sa kanila ay ang mga suwail.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَن يَضُرُّوكُمۡ إِلَّآ أَذٗىۖ وَإِن يُقَٰتِلُوكُمۡ يُوَلُّوكُمُ ٱلۡأَدۡبَارَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ
Hindi sila makapipinsala sa inyo maliban ng isang pananakit. Kung kakalaban sila sa inyo ay maghaharap sila sa inyo ng mga likod [nila], pagkatapos hindi sila iaadya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ أَيۡنَ مَا ثُقِفُوٓاْ إِلَّا بِحَبۡلٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَحَبۡلٖ مِّنَ ٱلنَّاسِ وَبَآءُو بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَسۡكَنَةُۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ
Itinatak sa kanila ang kaabahan saanman sila nasumpungan malibang nasa isang kasunduan mula kay Allāh at isang pangangalaga mula sa mga tao. Bumalik sila na may galit mula kay Allāh at itinatak sa kanila ang karukhaan. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila at sila noon ay lumalabag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ لَيۡسُواْ سَوَآءٗۗ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ أُمَّةٞ قَآئِمَةٞ يَتۡلُونَ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ ءَانَآءَ ٱلَّيۡلِ وَهُمۡ يَسۡجُدُونَ
Hindi sila magkapantay; mayroon sa mga May Kasulatan na isang kalipunang matuwid [na yumakap sa Islām]. Bumibigkas sila ng mga talata ni Allāh sa mga bahagi ng gabi habang sila ay nagpapatirapa [sa pagdarasal].
Ang mga Tafsir na Arabe:
يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَيَأۡمُرُونَ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَوۡنَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Sumasampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw, nag-uutos sila ng nakabubuti, sumasaway sila ng nakasasama, at nagmamabilis sila sa mga kabutihan. Ang mga iyon ay kabilang sa mga maayos.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا يَفۡعَلُواْ مِنۡ خَيۡرٖ فَلَن يُكۡفَرُوهُۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُتَّقِينَ
Ang anumang ginagawa nilang kabutihan ay hindi sila tatanggihan dito. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag magkasala.
Ang mga Tafsir na Arabe:
 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin - Indise ng mga Salin

Isinalin ito ng isang pangkat ng Sentro ng Rowad sa Pagsasalin sa pakikipagtulungan ng Samahan ng Da‘wah sa Rabwah at Samahan ng Paglilingkod sa Nilalamang Islāmiko sa mga Wika.

Isara