Check out the new design

पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - फिलिपिनी अनुवाद (तागालोग) - रव्वाद अनुवाद केन्द्र * - अनुवादहरूको सूची

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

अर्थको अनुवाद सूरः: मुनाफिकून   श्लोक:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ يَسۡتَغۡفِرۡ لَكُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ لَوَّوۡاْ رُءُوسَهُمۡ وَرَأَيۡتَهُمۡ يَصُدُّونَ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ
Kapag sinabi sa kanila: “Halikayo, hihingi ng tawad [mula kay Allāh] para sa inyo ang Sugo ni Allāh,” ay nag-iiling-iling sila ng mga ulo nila at nakakikita ka sa kanila na sumasagabal habang sila ay mga nagmamalaki.
अरबी व्याख्याहरू:
سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ أَسۡتَغۡفَرۡتَ لَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ لَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Magkapantay sa kanila na humingi ka man ng tawad para sa kanila o hindi ka humingi ng tawad para sa kanila; hindi magpapatawad si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
अरबी व्याख्याहरू:
هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُواْ عَلَىٰ مَنۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّواْۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَفۡقَهُونَ
Sila ay ang mga nagsasabi: “Huwag kayong gumugol sa mga nasa piling ng Sugo ni Allāh hanggang sa magkahiwa-hiwalay sila [palayo sa kanya].” Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa.
अरबी व्याख्याहरू:
يَقُولُونَ لَئِن رَّجَعۡنَآ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ لَيُخۡرِجَنَّ ٱلۡأَعَزُّ مِنۡهَا ٱلۡأَذَلَّۚ وَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِۦ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagsasabi sila: “Talagang kung bumalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba.” Sa kay Allāh ang kapangyarihan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam.
अरबी व्याख्याहरू:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُلۡهِكُمۡ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
O mga sumampalataya, huwag lumibang sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pag-alaala kay Allāh. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ay ang mga lugi.
अरबी व्याख्याहरू:
وَأَنفِقُواْ مِن مَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُن مِّنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa pumunta sa isa sa inyo ang kamatayan para magsabi siya: “Panginoon ko, bakit hindi Ka nag-aantala sa akin hanggang sa isang taning na malapit para magkawanggawa ako at ako ay maging kabilang sa mga maayos?”
अरबी व्याख्याहरू:
وَلَن يُؤَخِّرَ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِذَا جَآءَ أَجَلُهَاۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Hindi mag-aantala si Allāh sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.
अरबी व्याख्याहरू:
 
अर्थको अनुवाद सूरः: मुनाफिकून
अध्यायहरूको (सूरःहरूको) सूची رقم الصفحة
 
पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - फिलिपिनी अनुवाद (तागालोग) - रव्वाद अनुवाद केन्द्र - अनुवादहरूको सूची

यसलाई रुव्वाद अनुवाद केन्द्रको टोलीले रब्वा दावाह संघ र इस्लामी सामग्री सेवा संघको सहयोगमा अनुवाद गरिएको छ।

बन्द गर्नुस्