Check out the new design

വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: ബഖറഃ   ആയത്ത്:
۞ مَا نَنسَخۡ مِنۡ ءَايَةٍ أَوۡ نُنسِهَا نَأۡتِ بِخَيۡرٖ مِّنۡهَآ أَوۡ مِثۡلِهَآۗ أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Ang anumang ipinawalang-bisa Namin na isang talata o ipinalimot Namin iyon ay magdudulot Kami ng isang higit na mainam kaysa roon o ng tulad niyon. Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan?
അറബി തഫ്സീറുകൾ:
أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ
Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh ay may paghahari sa mga langit at lupa? Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.
അറബി തഫ്സീറുകൾ:
أَمۡ تُرِيدُونَ أَن تَسۡـَٔلُواْ رَسُولَكُمۡ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِن قَبۡلُۗ وَمَن يَتَبَدَّلِ ٱلۡكُفۡرَ بِٱلۡإِيمَٰنِ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
O nagnanais ba kayong humiling sa Sugo ninyo gaya ng pagkahiling kay Moises bago pa niyan? Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay lumihis nga palayo sa katumpakan ng landas.
അറബി തഫ്സീറുകൾ:
وَدَّ كَثِيرٞ مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَوۡ يَرُدُّونَكُم مِّنۢ بَعۡدِ إِيمَٰنِكُمۡ كُفَّارًا حَسَدٗا مِّنۡ عِندِ أَنفُسِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡحَقُّۖ فَٱعۡفُواْ وَٱصۡفَحُواْ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ ٱللَّهُ بِأَمۡرِهِۦٓۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Inasam ng marami sa mga May Kasulatan na kung sana magpapanauli sila sa inyo, matapos na ng pagsampalataya ninyo, bilang mga tagatangging sumampalataya dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila matapos na luminaw para sa kanila ang katotohanan. Kaya magpaumanhin kayo at magpawalang-sala kayo hanggang sa magparating si Allāh ng utos Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
അറബി തഫ്സീറുകൾ:
وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Magpanatili kayo ng pagdarasal at magbigay kayo ang zakāh. Ang anumang ipinauna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay matatagpuan ninyo ito sa piling ni Allāh. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
അറബി തഫ്സീറുകൾ:
وَقَالُواْ لَن يَدۡخُلَ ٱلۡجَنَّةَ إِلَّا مَن كَانَ هُودًا أَوۡ نَصَٰرَىٰۗ تِلۡكَ أَمَانِيُّهُمۡۗ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsabi sila: “Walang papasok sa Paraiso kundi mga Hudyo o mga Kristiyano.” Iyon ay mga pinakamimithi nila. Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.”
അറബി തഫ്സീറുകൾ:
بَلَىٰۚ مَنۡ أَسۡلَمَ وَجۡهَهُۥ لِلَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ فَلَهُۥٓ أَجۡرُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Bagkus ang sinumang nagsuko ng mukha niya kay Allāh, habang siya ay gumagawa ng maganda, ay ukol sa kanya ang pabuya sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
അറബി തഫ്സീറുകൾ:
 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: ബഖറഃ
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

റബ്‌വ ഇസ്‌ലാമിക് ദഅ് വ ആൻഡ് ഗൈഡൻസ് സെൻ്ററിൻ്റെയും കോൺടെൻ്റ് ഇൻ ലാംഗ്വേജസ് സർവീസ് അസോസിയേഷൻ്റെയും സഹകരണത്തോടെ മർകസ് റുവാദ് തർജമ വിഭാഗം വിവർത്തനം ചെയ്തത്.

അവസാനിപ്പിക്കുക