Check out the new design

Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras * - Vertimų turinys

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Reikšmių vertimas Sūra: Ar-Ra’d   Aja (Korano eilutė):
لَهُۥ دَعۡوَةُ ٱلۡحَقِّۚ وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسۡتَجِيبُونَ لَهُم بِشَيۡءٍ إِلَّا كَبَٰسِطِ كَفَّيۡهِ إِلَى ٱلۡمَآءِ لِيَبۡلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَٰلِغِهِۦۚ وَمَا دُعَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ
Ukol sa Kanya ang panalangin ng katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi tumutugon sa kanila sa anuman kundi gaya ng nag-aabot ng mga palad niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya gayong ito ay hindi aabot doon. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw.
Tafsyrai arabų kalba:
وَلِلَّهِۤ يَسۡجُدُۤ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ طَوۡعٗا وَكَرۡهٗا وَظِلَٰلُهُم بِٱلۡغُدُوِّ وَٱلۡأٓصَالِ۩
Kay Allāh nagpapatirapa ang mga nasa mga langit at lupa nang kusang loob at labag sa loob at ang mga anino nila sa mga umaga at mga hapon.
Tafsyrai arabų kalba:
قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ قُلِ ٱللَّهُۚ قُلۡ أَفَٱتَّخَذۡتُم مِّن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ لَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ نَفۡعٗا وَلَا ضَرّٗاۚ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ أَمۡ هَلۡ تَسۡتَوِي ٱلظُّلُمَٰتُ وَٱلنُّورُۗ أَمۡ جَعَلُواْ لِلَّهِ شُرَكَآءَ خَلَقُواْ كَخَلۡقِهِۦ فَتَشَٰبَهَ ٱلۡخَلۡقُ عَلَيۡهِمۡۚ قُلِ ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُوَ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّٰرُ
Sabihin mo: “Sino ang Panginoon ng mga langit at lupa?” Sabihin mo: “Si Allāh.” Sabihin mo: “Kaya gumawa ba kayo bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala?” Sabihin mo: “Nagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? O nagkakapantay kaya ang mga kadiliman at ang liwanag? O gumawa ba sila para kay Allāh ng mga katambal na lumikha gaya ng paglikha Niya kaya nagkawangisan sa kanila ang pagkakalikha?” Sabihin mo: “Si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay at Siya ay ang Nag-iisa, ang Palalupig.”
Tafsyrai arabų kalba:
أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَسَالَتۡ أَوۡدِيَةُۢ بِقَدَرِهَا فَٱحۡتَمَلَ ٱلسَّيۡلُ زَبَدٗا رَّابِيٗاۖ وَمِمَّا يُوقِدُونَ عَلَيۡهِ فِي ٱلنَّارِ ٱبۡتِغَآءَ حِلۡيَةٍ أَوۡ مَتَٰعٖ زَبَدٞ مِّثۡلُهُۥۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡحَقَّ وَٱلۡبَٰطِلَۚ فَأَمَّا ٱلزَّبَدُ فَيَذۡهَبُ جُفَآءٗۖ وَأَمَّا مَا يَنفَعُ ٱلنَّاسَ فَيَمۡكُثُ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَالَ
Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig kaya umagos ang mga lambak ayon sukat ng mga ito saka nagdala ang agos ng bulang pumapaibabaw. Mula sa bagay na nagpapaningas sila rito sa apoy dala ng paghahangad sa mga hiyas at kagamitan ay may bulang tulad niyon. Gayon naglalahad si Allāh ng katotohanan at kabulaanan. Kaya hinggil sa bula, naglalaho ito bilang patapon; at hinggil naman sa nagpapakinabang sa mga tao, nananatili ito sa lupa. Gayon naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad.
Tafsyrai arabų kalba:
لِلَّذِينَ ٱسۡتَجَابُواْ لِرَبِّهِمُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَٱلَّذِينَ لَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُۥ لَوۡ أَنَّ لَهُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا وَمِثۡلَهُۥ مَعَهُۥ لَٱفۡتَدَوۡاْ بِهِۦٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ سُوٓءُ ٱلۡحِسَابِ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Ukol sa mga tumugon sa Panginoon nila ang pinakamaganda. Ang mga hindi tumugon sa Kanya, kahit pa man taglay nila ang anumang nasa lupa nang lahatan at tulad niyon kasama roon ay talagang ipantutubos nila ito.[2] Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagtutuos. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!
[2] sa mga sarili nila sa Kabilang-buhay sa Kabilang-buhay
Tafsyrai arabų kalba:
 
Reikšmių vertimas Sūra: Ar-Ra’d
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras - Vertimų turinys

Vertė Ruad vertimo centro komanda bendradarbiaujant su Religinės sklaidos ir orientavimo asociacija Rabwah bei Islamo turinio kalbos asociacija.

Uždaryti