Check out the new design

Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras * - Vertimų turinys

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Reikšmių vertimas Sūra: Jūnus   Aja (Korano eilutė):
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا وَرَضُواْ بِٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَٱطۡمَأَنُّواْ بِهَا وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَنۡ ءَايَٰتِنَا غَٰفِلُونَ
Tunay na ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin at nalugod sa buhay na pangmundo at napanatag rito, at ang mga sa mga tanda Namin ay mga pabaya,
Tafsyrai arabų kalba:
أُوْلَٰٓئِكَ مَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
ang mga iyon ay ang Apoy ang kanlungan nila dahil sa dati nilang nakakamit.
Tafsyrai arabų kalba:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ يَهۡدِيهِمۡ رَبُّهُم بِإِيمَٰنِهِمۡۖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُ فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nagpapatnubay sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pananampalataya nila. Dadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog sa mga hardin ng kaginhawahan.
Tafsyrai arabų kalba:
دَعۡوَىٰهُمۡ فِيهَا سُبۡحَٰنَكَ ٱللَّهُمَّ وَتَحِيَّتُهُمۡ فِيهَا سَلَٰمٞۚ وَءَاخِرُ دَعۡوَىٰهُمۡ أَنِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang panalangin nila doon ay “Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh” at ang pagbati nila roon ay “Kapayapaan.” Ang panghuli sa panalangin nila ay na “Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.”
Tafsyrai arabų kalba:
۞ وَلَوۡ يُعَجِّلُ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ ٱلشَّرَّ ٱسۡتِعۡجَالَهُم بِٱلۡخَيۡرِ لَقُضِيَ إِلَيۡهِمۡ أَجَلُهُمۡۖ فَنَذَرُ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Kung sakaling ipamamadali ni Allāh para sa mga tao ang kasamaan gaya ng pagpapamadali sa kanila sa kabutihan ay talaga sanang winakasan sa kanila ang taning nila. Ngunit nagpapabaya Kami sa mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.
Tafsyrai arabų kalba:
وَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ٱلضُّرُّ دَعَانَا لِجَنۢبِهِۦٓ أَوۡ قَاعِدًا أَوۡ قَآئِمٗا فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُ ضُرَّهُۥ مَرَّ كَأَن لَّمۡ يَدۡعُنَآ إِلَىٰ ضُرّٖ مَّسَّهُۥۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلۡمُسۡرِفِينَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Kapag sumaling sa tao ang kapinsalaan ay dumadalangin siya sa Amin [habang nakahiga] sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo. Ngunit noong pumawi Kami sa kanya ng kapinsalaan sa kanya ay nagpatuloy siya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin [ng pagpawi] sa kapinsalaang sumaling sa kanya. Ganyan ipinaakit para sa mga nagpapakalabis ang dati nilang ginagawa.
Tafsyrai arabų kalba:
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَا ٱلۡقُرُونَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَمَا كَانُواْ لِيُؤۡمِنُواْۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Talaga ngang nagpahamak Kami sa mga [makasalanang] salinlahi bago pa ninyo noong lumabag sila sa katarungan samantalang naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga patunay na malinaw ngunit hindi naging ukol na sumampalataya sila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin.
Tafsyrai arabų kalba:
ثُمَّ جَعَلۡنَٰكُمۡ خَلَٰٓئِفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لِنَنظُرَ كَيۡفَ تَعۡمَلُونَ
Pagkatapos gumawa Kami sa inyo [O mga tao] bilang mga kahalili sa lupa matapos na nila upang tumingin Kami kung papaano kayong gagawa.
Tafsyrai arabų kalba:
 
Reikšmių vertimas Sūra: Jūnus
Sūrų turinys Puslapio numeris
 
Kilniojo Korano reikšmių vertimas - Vertimas į filipinų (tagalogų) k. - Ruad vertimų centras - Vertimų turinys

Vertė Ruad vertimo centro komanda bendradarbiaujant su Religinės sklaidos ir orientavimo asociacija Rabwah bei Islamo turinio kalbos asociacija.

Uždaryti