Check out the new design

ការបកប្រែអត្ថន័យនៃគម្ពីរគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ * - មាតិកានៃការបកប្រែ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

ការបកប្រែអត្ថន័យ ជំពូក​: យ៉ាស៊ីន   វាក្យខណ្ឌ:
وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلًا أَصۡحَٰبَ ٱلۡقَرۡيَةِ إِذۡ جَآءَهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad [na kasaysayan] ng mga naninirahan sa pamayanan [ng Antioquia] noong dumating doon ang mga isinugo,
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
إِذۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمُ ٱثۡنَيۡنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزۡنَا بِثَالِثٖ فَقَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَيۡكُم مُّرۡسَلُونَ
noong nagsugo Kami sa kanila ng dalawa [sa mga apostol ni Jesus] ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya kinatigan Namin ng ikatlo, saka nagsabi sila: “Tunay na kami sa inyo ay mga isinugo.”
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
قَالُواْ مَآ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَمَآ أَنزَلَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَكۡذِبُونَ
Nagsabi ang mga iyon: “Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain ng anuman. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling.”
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
قَالُواْ رَبُّنَا يَعۡلَمُ إِنَّآ إِلَيۡكُمۡ لَمُرۡسَلُونَ
Nagsabi sila [sa mga tao ng pamayanan]: “Ang Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo ay talagang mga isinugo.”
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
وَمَا عَلَيۡنَآ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Walang kailangan sa Amin kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe ng Panginoon].
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
قَالُوٓاْ إِنَّا تَطَيَّرۡنَا بِكُمۡۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهُواْ لَنَرۡجُمَنَّكُمۡ وَلَيَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Nagsabi ang mga iyon [sa mga apostol]: “Tunay na kami ay nag-ugnay ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babato nga kami sa inyo at talagang may sasalingin nga sa inyo mula sa amin na isang pagdurusang masakit.”
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
قَالُواْ طَٰٓئِرُكُم مَّعَكُمۡ أَئِن ذُكِّرۡتُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ مُّسۡرِفُونَ
Nagsabi [ang mga apostol]: “Ang kamalasang inuugnay ninyo ay kasama sa inyo. Kung pinaalalahanan ba kayo, [mag-uugnay kayo ng kamalasan]? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis.”
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
وَجَآءَ مِنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ رَجُلٞ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُواْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
May dumating mula sa pinakaliblib ng lungsod na isang lalaking[3] tumatakbo, na nagsabi: “O mga kababayan ko, sumunod kayo sa mga isinugo.
[3] si Ḥabīb na karpintero
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
ٱتَّبِعُواْ مَن لَّا يَسۡـَٔلُكُمۡ أَجۡرٗا وَهُم مُّهۡتَدُونَ
Sumunod kayo sa mga hindi humihingi sa inyo ng isang pabuya at sila ay mga napapatnubayan.
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
وَمَالِيَ لَآ أَعۡبُدُ ٱلَّذِي فَطَرَنِي وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Ano ang mayroon sa akin na hindi ako sumasamba sa lumalang sa akin at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan]?
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً إِن يُرِدۡنِ ٱلرَّحۡمَٰنُ بِضُرّٖ لَّا تُغۡنِ عَنِّي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يُنقِذُونِ
Gagawa ba ako ng bukod pa sa Kanya bilang mga diyos? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang pinsala ay hindi makapagsisilbi sa akin ang pamamagitan nila ng anuman at hindi sila makasasagip sa akin.
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
إِنِّيٓ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Tunay na ako, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
إِنِّيٓ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمۡ فَٱسۡمَعُونِ
Tunay na ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyo, kaya makinig kayo sa akin.”[4]
[4] ngunit pinatay nila ito.
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
قِيلَ ٱدۡخُلِ ٱلۡجَنَّةَۖ قَالَ يَٰلَيۡتَ قَوۡمِي يَعۡلَمُونَ
Sasabihin: “Pumasok ka sa paraiso.” Magsasabi siya: “O kung sana ang mga kababayan ko ay nakaaalam
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
بِمَا غَفَرَ لِي رَبِّي وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
sa pagpapatawad sa akin ng Panginoon ko at paggawa Niya sa akin kabilang sa mga pinararangalan.”
ការបកស្រាយជាភាសា​អារ៉ាប់:
 
ការបកប្រែអត្ថន័យ ជំពូក​: យ៉ាស៊ីន
មាតិកានៃជំពូក លេខ​ទំព័រ
 
ការបកប្រែអត្ថន័យនៃគម្ពីរគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ - មាតិកានៃការបកប្រែ

បកប្រែដោយក្រុមមជ្ឈមណ្ឌលរ៉ូវ៉ាតនៃការបកប្រែ ដោយសហការជាមួយសមាគមអំពាវនាវនៅរ៉ាប់វ៉ា និងសមាគមបម្រើមាតិកាអ៊ីស្លាមជាភាសាផ្សេងៗ។

បិទ