Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād * - Daftar isi terjemahan

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Terjemahan makna Surah: Al-Anfāl   Ayah:
۞ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا غَنِمۡتُم مِّن شَيۡءٖ فَأَنَّ لِلَّهِ خُمُسَهُۥ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ إِن كُنتُمۡ ءَامَنتُم بِٱللَّهِ وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ عَبۡدِنَا يَوۡمَ ٱلۡفُرۡقَانِ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Alamin ninyo na ang nasamsam ninyo [sa digmaan] na anumang bagay ay na para kay Allāh ang ikalima nito, para sa Sugo, at para sa may pagkakamag-anak [sa kanya],[3] mga ulila, mga dukha, at manlalakbay na kinapos sa daan, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh at sa pinababa sa Lingkod sa araw ng pagtatangi [ng katotohanan sa kabulaanan], sa araw na nagkita ang dalawang pangkat [sa labanan sa Badr]. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
[3] na pinagbawalan ng Propeta (s) sa pagtanggap ng kawanggawa
Tafsir berbahasa Arab:
إِذۡ أَنتُم بِٱلۡعُدۡوَةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُم بِٱلۡعُدۡوَةِ ٱلۡقُصۡوَىٰ وَٱلرَّكۡبُ أَسۡفَلَ مِنكُمۡۚ وَلَوۡ تَوَاعَدتُّمۡ لَٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡمِيعَٰدِ وَلَٰكِن لِّيَقۡضِيَ ٱللَّهُ أَمۡرٗا كَانَ مَفۡعُولٗا لِّيَهۡلِكَ مَنۡ هَلَكَ عَنۢ بَيِّنَةٖ وَيَحۡيَىٰ مَنۡ حَيَّ عَنۢ بَيِّنَةٖۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَسَمِيعٌ عَلِيمٌ
[Banggitin] noong kayo ay nasa pampang na pinakamalapit [ng lambak] at sila ay nasa pampang na pinakamalayo at ang karaban ay nasa higit na mababa kaysa sa inyo. Kung sakaling nagtipanan kayo ay talaga sanang nagkaiba-iba kayo sa tipanan, subalit [nagkatagpo kayo] upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin upang mapahamak ang sinumang mapapahamak ayon sa isang malinaw na patunay at mabuhay ang sinumang mabubuhay ayon sa isang malinaw na patunay. Tunay na si Allāh ay talagang Madinigin, Maalam.
Tafsir berbahasa Arab:
إِذۡ يُرِيكَهُمُ ٱللَّهُ فِي مَنَامِكَ قَلِيلٗاۖ وَلَوۡ أَرَىٰكَهُمۡ كَثِيرٗا لَّفَشِلۡتُمۡ وَلَتَنَٰزَعۡتُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ سَلَّمَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
[Banggitin] noong ipinakikita sa iyo sila[4] ni Allāh sa pananaginip mo bilang kaunti; at kung sakaling ipinakita Niya sa iyo sila na marami ay talaga sanang naduwag kayo at talaga sanang naghidwaan kayo sa usapin, subalit si Allāh ay nagpaligtas sa inyo. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
[4] Ibig sabihin: ang mga kaaway.
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِذۡ يُرِيكُمُوهُمۡ إِذِ ٱلۡتَقَيۡتُمۡ فِيٓ أَعۡيُنِكُمۡ قَلِيلٗا وَيُقَلِّلُكُمۡ فِيٓ أَعۡيُنِهِمۡ لِيَقۡضِيَ ٱللَّهُ أَمۡرٗا كَانَ مَفۡعُولٗاۗ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
[Banggitin] noong ipinakita Niya sa inyo sila, noong nagkita kayo, sa mga mata ninyo bilang kaunti at pinangangaunti Niya kayo sa mga mata nila upang magpatupad si Allāh ng isang bagay na mangyayaring gagawin. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin.
Tafsir berbahasa Arab:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا لَقِيتُمۡ فِئَةٗ فَٱثۡبُتُواْ وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا لَّعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa isang pangkat [ng kaaway] ay magpakatatag kayo at umalaala kayo kay Allāh nang madalas, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
Tafsir berbahasa Arab:
 
Terjemahan makna Surah: Al-Anfāl
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād - Daftar isi terjemahan

Terjemahannya oleh Tim Markaz Ruwwād Terjemah bekerjasama dengan Perkumpulan Dakwah di Rabwah dan Perkumpulan Pelayanan Konten Islami dalam Bahasa.

Tutup