Check out the new design

Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād * - Daftar isi terjemahan

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Terjemahan makna Surah: An-Nisā`   Ayah:
وَإِنِ ٱمۡرَأَةٌ خَافَتۡ مِنۢ بَعۡلِهَا نُشُوزًا أَوۡ إِعۡرَاضٗا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يُصۡلِحَا بَيۡنَهُمَا صُلۡحٗاۚ وَٱلصُّلۡحُ خَيۡرٞۗ وَأُحۡضِرَتِ ٱلۡأَنفُسُ ٱلشُّحَّۚ وَإِن تُحۡسِنُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
Kung ang isang babae ay nangamba mula sa asawa niya ng isang kasutilan o isang pag-ayaw, walang maisisisi sa kanilang dalawa na magsaayos silang dalawa sa pagitan nilang dalawa ayon sa isang pag-aayos. Ang pag-aayos ay higit na mabuti. Pinagdala ang mga kaluluwa ng kasakiman. Kung gumagawa kayo ng maganda at nangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلَن تَسۡتَطِيعُوٓاْ أَن تَعۡدِلُواْ بَيۡنَ ٱلنِّسَآءِ وَلَوۡ حَرَصۡتُمۡۖ فَلَا تَمِيلُواْ كُلَّ ٱلۡمَيۡلِ فَتَذَرُوهَا كَٱلۡمُعَلَّقَةِۚ وَإِن تُصۡلِحُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Hindi kayo makakakaya na magmakatarungan sa mga maybahay [sa damdamin] kahit pa nagsigasig kayo. Kaya huwag kayong kumiling nang buong pagkiling [sa isa] para magpabaya kayo sa iba gaya ng nakabitin [sa alanganin]. Kung magsasaayos kayo at mangingilag kayong magkasala, tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.
Tafsir berbahasa Arab:
وَإِن يَتَفَرَّقَا يُغۡنِ ٱللَّهُ كُلّٗا مِّن سَعَتِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ وَٰسِعًا حَكِيمٗا
Kung magkakahiwalay silang dalawa, magpapasapat si Allāh sa bawat [isa] mula sa lawak Niya. Laging si Allāh ay Malawak, Marunong.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَلَقَدۡ وَصَّيۡنَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَإِيَّاكُمۡ أَنِ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَإِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدٗا
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Talaga ngang nagtagubilin sa mga binigyan ng Kasulatan bago pa ninyo at sa inyo, na mangilag kayong magkasala kay Allāh. Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Laging si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.
Tafsir berbahasa Arab:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat na si Allāh bilang Pinananaligan.
Tafsir berbahasa Arab:
إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ أَيُّهَا ٱلنَّاسُ وَيَأۡتِ بِـَٔاخَرِينَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ قَدِيرٗا
Kung loloobin Niya, aalisin Niya kayo, O mga tao, at magdadala Siya ng mga iba pa [kapalit sa inyo]. Laging si Allāh sa gayon ay May-kakayahan.
Tafsir berbahasa Arab:
مَّن كَانَ يُرِيدُ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ ثَوَابُ ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا
Ang sinumang nagnanais ng gantimpala sa Mundo ay nasa ganang kay Allāh ang gantimpala sa Mundo at Kabilang-buhay. Laging si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
Tafsir berbahasa Arab:
 
Terjemahan makna Surah: An-Nisā`
Daftar surah Nomor Halaman
 
Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Berbahasa Philipina (Tagalog) - Pusat Terjemah Ruwwād - Daftar isi terjemahan

Terjemahannya oleh Tim Markaz Ruwwād Terjemah bekerjasama dengan Perkumpulan Dakwah di Rabwah dan Perkumpulan Pelayanan Konten Islami dalam Bahasa.

Tutup