Check out the new design

કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અત્ તૂર   આયત:
أَفَسِحۡرٌ هَٰذَآ أَمۡ أَنتُمۡ لَا تُبۡصِرُونَ
Kaya panggagaway ba [ang pagdurusang] ito o kayo ay hindi nakakikita?
અરબી તફસીરો:
ٱصۡلَوۡهَا فَٱصۡبِرُوٓاْ أَوۡ لَا تَصۡبِرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡكُمۡۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Masunog kayo rito [sa apoy] at magtiis kayo o huwag kayong magtiis: magkapantay sa inyo; gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa [na kasamaan].
અરબી તફસીરો:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَعِيمٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at kaginhawahan,
અરબી તફસીરો:
فَٰكِهِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ وَوَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
na mga nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ng Panginoon nila at [dahil] nagsanggalang sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Impiyerno.
અરબી તફસીરો:
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
[Sasabihan sila:] “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa,
અરબી તફસીરો:
مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ سُرُرٖ مَّصۡفُوفَةٖۖ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ
habang mga nakasandal sa mga kama na inihanay.” Magkakasal Kami sa kanila sa mga dilag na may maninining na mata.
અરબી તફસીરો:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱتَّبَعَتۡهُمۡ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَٰنٍ أَلۡحَقۡنَا بِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَمَآ أَلَتۡنَٰهُم مِّنۡ عَمَلِهِم مِّن شَيۡءٖۚ كُلُّ ٱمۡرِيِٕۭ بِمَا كَسَبَ رَهِينٞ
Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga supling nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga supling nila at hindi Kami babawas sa kanila mula sa [magandang] gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.
અરબી તફસીરો:
وَأَمۡدَدۡنَٰهُم بِفَٰكِهَةٖ وَلَحۡمٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ
Magkakaloob Kami sa kanila ng prutas at karne kabilang sa ninanasa nila.
અરબી તફસીરો:
يَتَنَٰزَعُونَ فِيهَا كَأۡسٗا لَّا لَغۡوٞ فِيهَا وَلَا تَأۡثِيمٞ
Magpapasahan sila roon ng tasa [ng alak] na walang satsatan dito at walang pagpapakasalanan.
અરબી તફસીરો:
۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ غِلۡمَانٞ لَّهُمۡ كَأَنَّهُمۡ لُؤۡلُؤٞ مَّكۡنُونٞ
May iikot sa kanila na mga batang lalaki [na pinagsilbi] para sa kanila, na para bang ang mga iyon ay mga perlas na itinatago.
અરબી તફસીરો:
وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ
Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.
અરબી તફસીરો:
قَالُوٓاْ إِنَّا كُنَّا قَبۡلُ فِيٓ أَهۡلِنَا مُشۡفِقِينَ
Magsasabi sila: “Tunay na kami dati bago pa niyan sa mga mag-anak namin ay mga nababagabag [pagdurusa sa Kabilang-buhay].
અરબી તફસીરો:
فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَوَقَىٰنَا عَذَابَ ٱلسَّمُومِ
Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin at nagsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa nakapapasong hangin.
અરબી તફસીરો:
إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلُ نَدۡعُوهُۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡبَرُّ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na kami dati bago pa niyan ay dumadalangin sa Kanya; tunay na Siya ay ang Mabuting-loob, ang Maawain.
અરબી તફસીરો:
فَذَكِّرۡ فَمَآ أَنتَ بِنِعۡمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٖ وَلَا مَجۡنُونٍ
Kaya magpaalaala ka [sa kanila nang tuluy-tuloy] sapagkat hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang manghuhula, ni isang baliw.
અરબી તફસીરો:
أَمۡ يَقُولُونَ شَاعِرٞ نَّتَرَبَّصُ بِهِۦ رَيۡبَ ٱلۡمَنُونِ
O nagsasabi sila: “Isang makata [siya], na nag-aabang kami sa kanya ng sakuna ng panahon.”
અરબી તફસીરો:
قُلۡ تَرَبَّصُواْ فَإِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُتَرَبِّصِينَ
Sabihin mo: “Mag-abang kayo [sa kamatayan ko] sapagkat tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagapag-abang [sa pagdurusa ninyo].”
અરબી તફસીરો:
 
શબ્દોનું ભાષાંતર સૂરહ: અત્ તૂર
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં - રવ્વાદ ભાષાંતર કેન્દ્ર - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

રુવાદ ભાષાંતર કેન્દ્રની ટીમ દ્વારા અને રબ્વાહ ઇસ્લામિક પ્રચાર કાર્યાલય અને વિવિધ ભાષાઓમાં ઇસ્લામની સામગ્રી પ્રસ્તુત કરતું સંગઠનના સહયોગથી

બંધ કરો