Check out the new design

Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Aaya: (48) Simoore: Simoore kuɗol (al-qalam)
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُن كَصَاحِبِ ٱلۡحُوتِ إِذۡ نَادَىٰ وَهُوَ مَكۡظُومٞ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa anumang inihatol ng Panginoon mo na pagpapain sa kanila sa pamamagitan ng pag-aantabay at huwag kang maging tulad ng kasamahan ng isda na si Jonas – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pagkasuya niya sa mga kababayan niya, noong nanawagan siya sa Panginoon niya habang siya ay namimighati sa kadiliman ng dagat at kadiliman ng tiyan ng isda.
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• الصبر خلق محمود لازم للدعاة وغيرهم.
Ang pagtitiis ay isang kaasalang pinapupurihan na kinakailangan sa mga tagapag-anyaya sa Islām at iba pa sa kanila.

• التوبة تَجُبُّ ما قبلها وهي من أسباب اصطفاء الله للعبد وجعله من عباده الصالحين.
Ang pagbabalik-loob ay nag-oobliga [ng pagpapatawad] sa [pagkakasalang] nauna rito. Ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng paghirang ni Allāh sa tao at paggawa rito kabilang sa mga maayos na lingkod Niya.

• تنوّع ما يرسله الله على الكفار والعصاة من عذاب دلالة على كمال قدرته وكمال عدله.
Ang pagsasarisari ng ipinadadala ni Allāh na pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway ay isang katunayan sa kaganapan ng kakayahan Niya at kaganapan ng katarungan Niya.

 
Firo maanaaji Aaya: (48) Simoore: Simoore kuɗol (al-qalam)
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Tippudi firooji ɗii

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddude