Check out the new design

Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Loowdi firooji ɗi


Firo maanaaji Simoore.: Simoore juremdeero   Aaya.:
مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ يَلۡتَقِيَانِ
Nagpahalo si Allāh sa dalawang dagat na maalat at matabang habang nagtatagpo ayon sa nakikita ng mata.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٞ لَّا يَبۡغِيَانِ
Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang harang na humahadlang sa bawat sa dalawang ito na lumampas sa isa pa upang manatili ang matabang sa pagiging matabang at ang maalat sa pagiging maalat.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
يَخۡرُجُ مِنۡهُمَا ٱللُّؤۡلُؤُ وَٱلۡمَرۡجَانُ
Lumalabas mula sa pagsasama ng dalawang dagat ang malalaki sa mga perlas at ang maliliit sa mga ito.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
وَلَهُ ٱلۡجَوَارِ ٱلۡمُنشَـَٔاتُ فِي ٱلۡبَحۡرِ كَٱلۡأَعۡلَٰمِ
Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – lamang ang pagpapagalaw sa mga daong na naglalayag sa mga dagat tulad ng mga bundok.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
كُلُّ مَنۡ عَلَيۡهَا فَانٖ
Bawat sinumang nasa ibabaw ng lupa kabilang sa mga nilikha ay masasawi nang walang pasubali.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
وَيَبۡقَىٰ وَجۡهُ رَبِّكَ ذُو ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ
Mananatili naman ang mukha ng Panginoon mo, O sugo, ang may kadakilaan, paggawa ng maganda, at kabutihang-loob sa mga lingkod Niya sapagkat hindi Siya nasusundan ng pagkalipol magpakailanman.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
يَسۡـَٔلُهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ كُلَّ يَوۡمٍ هُوَ فِي شَأۡنٖ
Nanghihingi sa Kanya ang bawat sinumang nasa mga langit na mga anghel at sinumang nasa lupa na jinn at tao ng mga pangangailangan nila; sa bawat araw Siya ay nasa isang nauukol kabilang sa mga nauukol sa mga lingkod Niya na pagbibigay-buhay, pagbibigay-kamatayan, pagtutustos, at iba pa roon.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
سَنَفۡرُغُ لَكُمۡ أَيُّهَ ٱلثَّقَلَانِ
Magtutuon Kami para sa pagtutuos sa inyo, O tao at jinn, kaya gaganti Kami sa bawat isa ayon sa magiging karapat-dapat sa kanya na gantimpala o parusa.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ إِنِ ٱسۡتَطَعۡتُمۡ أَن تَنفُذُواْ مِنۡ أَقۡطَارِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ فَٱنفُذُواْۚ لَا تَنفُذُونَ إِلَّا بِسُلۡطَٰنٖ
Magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon kapag tinipon Niya ang jinn at ang tao: "O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na makatagpo kayo ng isang labasan mula sa isang dako kabilang sa mga dako ng mga langit at lupa ay gawin ninyo. Hindi kayo makakakaya na gumawa niyon kundi sa pamamagitan ng isang lakas at isang malinaw na patunay at mula saan mayroon kayo niyon?"
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
يُرۡسَلُ عَلَيۡكُمَا شُوَاظٞ مِّن نَّارٖ وَنُحَاسٞ فَلَا تَنتَصِرَانِ
May isusugo sa inyong dalawa, O tao at jinn, na isang lagablab ng apoy na walang usok at isang usok na walang lagablab, saka hindi kayong dalawa nakakakaya sa pagpigil niyon.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَإِذَا ٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ وَرۡدَةٗ كَٱلدِّهَانِ
Saka kapag nabiyak ang langit para sa pagbaba ng mga anghel mula roon at ito ay naging pula gaya ng langis sa pagningning ng kulay nito.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُسۡـَٔلُ عَن ذَنۢبِهِۦٓ إِنسٞ وَلَا جَآنّٞ
Kaya sa dakilang araw na iyon ay walang magtatanong na isang tao ni isang jinn tungkol sa pagkakasala nila dahil sa kaalaman ni Allāh sa mga gawain nila.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
يُعۡرَفُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ بِسِيمَٰهُمۡ فَيُؤۡخَذُ بِٱلنَّوَٰصِي وَٱلۡأَقۡدَامِ
Makikilala ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon sa mga palatandaan nila: ang kaitiman ng mga mukha at ang kabughawan ng mga mata, saka idudugtong ang mga buhok ng noo nila sa mga paa nila saka itatapon sila sa Impiyerno.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
Hino jeyaa e nafooje Aayeeje on ka hello ɗoo.:
• الجمع بين البحر المالح والعَذْب دون أن يختلطا من مظاهر قدرة الله تعالى.
Ang pagsasama sa pagitan ng dagat na maalat at [tubigang] matabang nang hindi naghahalu-halo ay kabilang sa mga pagpapakita ng kakayahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• ثبوت الفناء لجميع الخلائق، وبيان أن البقاء لله وحده حضٌّ للعباد على التعلق بالباقي - سبحانه - دون من سواه.
Ang katibayan ng pagkalipol para sa lahat ng mga nilikha at ang paglilinaw na ang pananatili ay ukol kay Allāh lamang ay isang paghihimok para sa mga tao para sa pagkapit sa [Diyos na] Nananatili – kaluwalhatian sa Kanya – sa halip na sa iba pa sa Kanya.

• إثبات صفة الوجه لله على ما يليق به سبحانه دون تشبيه أو تمثيل.
Ang pagpapatibay sa katangian ng [pagkakaroon ng] mukha para kay Allāh ayon sa nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – nang walang pagwawangis o pagtutulad.

• تنويع عذاب الكافر.
Ang pagsasarisari sa pagdurusa ng tagatangging sumampalataya.

 
Firo maanaaji Simoore.: Simoore juremdeero
Loowdi cimooje ɗe Tonngoode hello ngon
 
Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Loowdi firooji ɗi

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddu