Check out the new design

Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Loowdi firooji ɗi


Firo maanaaji Aaya.: (43) Simoore.: Simoore maa'ida
وَكَيۡفَ يُحَكِّمُونَكَ وَعِندَهُمُ ٱلتَّوۡرَىٰةُ فِيهَا حُكۡمُ ٱللَّهِ ثُمَّ يَتَوَلَّوۡنَ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۚ وَمَآ أُوْلَٰٓئِكَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na ang kalagayan ng mga ito ay talagang kataka-taka sapagkat sila ay tumatangging sumampalataya sa iyo ngunit nagpapahatol sa iyo dala ng paghahangad sa paghatol mo ng umaayon sa mga pithaya nila samantalang taglay nila ang Torah na nag-aangkin sila ng pananampalataya raw roon, na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos umaayaw sila sa hatol mo kapag hindi umalinsunod sa mga pithaya nila. Kaya naman nagsama sila sa kawalang-pananampalataya sa nasa kasulatan nila at sa pag-ayaw sa hatol mo. Ang kagagawan ng mga ito ay hindi kagagawan ng mga mananampalataya kaya sila, samakatuwid, ay hindi kabilang sa mga manananampalataya sa iyo at sa inihatid mo.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
Hino jeyaa e nafooje Aayeeje on ka hello ɗoo.:
• تعداد بعض صفات اليهود، مثل الكذب وأكل الربا ومحبة التحاكم لغير الشرع؛ لبيان ضلالهم وللتحذير منها.
Ang pag-iisa-isa sa ilan sa mga katangian ng mga Hudyo tulad ng pagsisinungaling, pakikinabang sa patubo sa pautang, pagkaibig sa pagpapahatol ayon sa hindi batas ni Allāh ay para sa paglilinaw sa pagkaligaw nila at para sa pagbibigay-babala laban dito.

• بيان شرعة القصاص العادل في الأنفس والجراحات، وهي أمر فرضه الله تعالى على من قبلنا.
Ang paglilinaw sa batas ng pantay na ganting makatarungan sa mga buhay at mga sugat. Ito ay isang utos na isinatungkulin ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa nauna sa atin.

• الحث على فضيلة العفو عن القصاص، وبيان أجرها العظيم المتمثّل في تكفير الذنوب.
Ang paghimok sa kainaman ng pagpapaumanhin sa pantay na ganti at ang paglilinaw sa pabuya nitong dakila na sumasagisag sa pagtatakip sa mga pagkakasala.

• الترهيب من الحكم بغير ما أنزل الله في شأن القصاص وغيره.
Ang pagsindak laban sa paghatol ayon sa hindi pinababa ni Allāh hinggil sa pumapatungkol sa pantay na ganti at iba pa rito.

 
Firo maanaaji Aaya.: (43) Simoore.: Simoore maa'ida
Loowdi cimooje ɗe Tonngoode hello ngon
 
Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Loowdi firooji ɗi

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddu