Check out the new design

Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Loowdi firooji ɗi


Firo maanaaji Aaya.: (3) Simoore.: Simoore faatir
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ هَلۡ مِنۡ خَٰلِقٍ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo, mga dila ninyo, at mga bahagi ng katawan ninyo sa pamamagitan ng paggawa. Mayroon kaya kayong anumang tagalikhang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit ng pinabababa Niya sa inyo na ulan at nagtutustos sa inyo mula sa lupa ng pinatutubo Niya na mga bunga, mga pananim, at iba pa roon? Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya papaanong matapos nito ay nalilihis kayo palayo sa katotohanang ito, gumawa-gawa kayo [ng kasinungalingan] laban kay Allāh, at nag-aangkin kayo na sa kay Allāh ay may mga katambal samantalang Siya ay ang lumikha sa inyo at nagtustos sa inyo?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
Hino jeyaa e nafooje Aayeeje on ka hello ɗoo.:
• مشهد فزع الكفار يوم القيامة مشهد عظيم.
Ang tanawin ng hilakbot ng mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon ay isang tanawing sukdulan.

• محل نفع الإيمان في الدنيا؛ لأنها هي دار العمل.
Ang lugar ng pakikinabang sa pananampalataya ay sa Mundo dahil ito ang tahanan ng paggawa.

• عظم خلق الملائكة يدل على عظمة خالقهم سبحانه.
Ang kadakilaan ng pagkalikha sa mga anghel ay nagpapatunay sa kadakilaan ng Tagalikha nila – kaluwalhatian sa Kanya.

 
Firo maanaaji Aaya.: (3) Simoore.: Simoore faatir
Loowdi cimooje ɗe Tonngoode hello ngon
 
Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Loowdi firooji ɗi

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddu