Check out the new design

Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Loowdi firooji ɗi


Firo maanaaji Aaya.: (137) Simoore.: Simoore koreeji imraan
قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِكُمۡ سُنَنٞ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Noong sinubok ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng bumaba sa kanila sa Araw ng Uḥud ay nagsabi si Allāh habang umaalo sa kanya: "May nagdaan na, bago pa ninyo, na mga kalakarang makadiyos sa pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya at paggawa ng mabuting kinahihinatnan para sa mga mananampalataya matapos ng pagsubok sa kanila. Kaya maglakbay kayo sa lupain saka tumingin kayo habang mga nagsasaalang-alang kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling kay Allāh at sa mga sugo Niya: lumipas ang mga tahanan nila at naglaho ang kaharian nila."
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
Hino jeyaa e nafooje Aayeeje on ka hello ɗoo.:
• الترغيب في المسارعة إلى عمل الصالحات اغتنامًا للأوقات، ومبادرة للطاعات قبل فواتها.
Ang pagpapaibig sa pagmamadali sa paggawa ng mga maayos bilang pagsasamantala sa mga panahon at pagdadali-dali para sa mga pagtalima bago makaalpas ang mga ito.

• من صفات المتقين التي يستحقون بها دخول الجنة: الإنفاق في كل حال، وكظم الغيظ، والعفو عن الناس، والإحسان إلى الخلق.
Kabilang sa mga katangian ng mga tagapangilag magkasala na nagiging karapat-dapat sila dahil sa mga ito sa pagpasok sa Paraiso ay ang paggugol sa bawat kalagayan, ang pagpigil sa ngitngit, ang pagpapaumanhin sa mga tao, at ang paggawa ng maganda sa nilikha.

• النظر في أحوال الأمم السابقة من أعظم ما يورث العبرة والعظة لمن كان له قلب يعقل به.
Ang pagmamasid sa mga kalagayan ng mga kalipunang nauna ay kabilang sa pinakamabigat na nagdudulot ng pagsasaalang-alang at pangaral para sa sinumang may pusong nakapag-uunawa.

 
Firo maanaaji Aaya.: (137) Simoore.: Simoore koreeji imraan
Loowdi cimooje ɗe Tonngoode hello ngon
 
Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Loowdi firooji ɗi

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddu