Check out the new design

Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Loowdi firooji ɗi


Firo maanaaji Simoore.: Simoore Al-hijri   Aaya.:

Al-Hijr

Hino jeyaa e paandale simoore nden:
توعد المستهزئين بالقرآن، والوعد بحفظه تأييدًا للنبي وتثبيتًا له.
Ang pagbabanta sa mga nangungutya sa Qur'ān at ang pangako ng pag-iingat dito bilang pagsuporta para sa Propeta at pagpapatatag para sa kanya.

الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ وَقُرۡءَانٖ مُّبِينٖ
Alif. Lām. Rā'. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang ito ay mataas ang kalagayan, na nagpapatunay na ang mga ito ay pinababa mula sa ganang kay Allāh. Ang mga ito ay mga talata ng Qur'ān na nagpapaliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at mga batas ng Islām.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ
Magmimithi ang mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon na kung sana sila ay naging mga Muslim kapag lumiwanag para sa kanila ang pasya at nalantad para sa kanila ang kabulaanan ng dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
ذَرۡهُمۡ يَأۡكُلُواْ وَيَتَمَتَّعُواْ وَيُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Iwan mo, O Sugo, ang mga tagapagpasinungaling na ito, kakain sila kung paanong kumakain ang mga hayupan, magtamasa sila ng mga napuputol na minamasarap sa Mundo, at mag-aabala sa kanila ang tagal ng pag-asa palayo sa pananampalataya at gawaing maayos saka makaaalam sila sa taglay nila na pagkalugi kapag dumating sila kay Allāh sa Araw ng Pagbangon.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٞ مَّعۡلُومٞ
Hindi nagpababa ng kapahamakan sa isang pamayanan kabilang sa mga pamayanang tagalabag sa katarungan malibang nagkaroon iyon ng isang taning na tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi iyon nauuna rito at hindi iyon naaantala.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Hindi pupunta sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan ang kapahamakan niyon bago sumapit ang taning niyon at hindi naaantala roon ang kapahamakan kapag sumapit ang taning niyon. Kaya kailangan sa mga tagalabag ng katarungan na huwag silang malinlang ng pagpapalugit ni Allāh sa kanila.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
وَقَالُواْ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِي نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونٞ
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga mamamayan ng Makkah sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "O siyang ibinaba sa kanya – gaya ng inaangkin niya – ang paalaala, tunay na ikaw dahil sa pag-aangkin mong ito ay talagang isang baliw: nag-aasal ka ng pag-aasal ng mga baliw.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
لَّوۡمَا تَأۡتِينَا بِٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Bakit kaya hindi ka naghatid sa amin ng mga anghel na sasaksi para sa iyo kung ikaw ay kabilang sa mga tapat na ikaw ay isang propetang isinugo at na ang pagdurusa ay bababa sa amin?
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوٓاْ إِذٗا مُّنظَرِينَ
Nagsabi si Allāh bilang pagtugon sa iminungkahi nila na pagdating ng mga anghel: "Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang sang-ayon sa hinihiling ng karunungan kapag sumasapit ang pagpapahamak sa inyo sa pamamagitan ng pagdurusa. Hindi sila – kapag naghatid Kami ng mga anghel at hindi sila sumampalataya – mga palulugitan; bagkus mamadaliin sila sa parusa."
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Tunay na Kami ay ang nagbaba sa Qur'ān na ito sa puso ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang pagpapaalaala sa mga tao at tunay na Kami sa Qur'ān ay talagang mag-iingat laban sa pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, at paglilihis.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي شِيَعِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang nagpadala Kami bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo sa mga naunang lipon ng kawalang-pananampalataya ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila, kaya ikaw ay hindi isang kauna-unahan sa mga sugo sa pagpapasinungaling ng kalipunan mo sa iyo.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang pumupunta sa mga naunang lipon ng kawalang-pananampalataya na isang sugo malibang nagpasinungaling sila sa kanya at nanuya sila sa kanya.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
كَذَٰلِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Kung paanong nagpapasok Kami ng pagpapasinungaling sa mga puso ng mga kalipunang iyon, nagpapasok Kami nito gayundin sa mga puso ng mga tagapagtambal ng Makkah dahil sa pag-ayaw nila at pagmamatigas nila.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi sila sumasampalataya sa Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang nagdaan na ang kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng mga sugo nila, kaya magsaalang-alang ang mga tagapagpasinungaling sa iyo.
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَظَلُّواْ فِيهِ يَعۡرُجُونَ
Ang mga tagapagpasinungaling na ito ay mga nagmamatigas hanggang sa kahit pa man lumiwanag para sa kanila ang katotohanan ayon sa mga patunay na hayag. Kaya kahit pa nagbukas Kami para sa kanila ng isang pinto mula sa langit saka nanatili sila roon na pumapanik,
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
لَقَالُوٓاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمٞ مَّسۡحُورُونَ
talaga sanang hindi sila naniwala at talaga sanang nagsabi sila: "Binarahan lamang ang mga paningin namin sa pagtingin, bagkus hindi kami nakakikita sa kanya mismo dahil sa epekto ng panggagaway sapagkat kami ay mga nagaway."
Tafsiraaɗe Aarabu ɗen:
Hino jeyaa e nafooje Aayeeje on ka hello ɗoo.:
• القرآن الكريم جامع بين صفة الكمال في كل شيء، والوضوح والبيان.
Ang Marangal na Qur'ān ay nagsasama sa katangian ng kalubusan sa bawat bagay, kaliwanagan, at paglilinaw.

• يهتم الكفار عادة بالماديات، فتراهم مُنْغَمِسين في الشهوات والأهواء، مغترين بالأماني الزائفة، منشغلين بالدنيا عن الآخرة.
Nagpapahalaga ang mga tagatangging sumampalataya kadalasan sa mga materyal na bagay kaya nakakikita ka sa kanila na mga nakatampisaw sa mga pagnanasa at mga pithaya, na mga nalilinlang ng mga huwad na mithiin habang mga nagpapakaabala sa Mundo sa halip na sa Kabilang-buhay.

• هلاك الأمم مُقَدَّر بتاريخ معين، ومقرر في أجل محدد، لا تأخير فيه ولا تقديم، وإن الله لا يَعْجَلُ لعجلة أحد.
Ang pagkapahamak ng mga kalipunan ay nakatakda sa isang tanging petsa at pinagtibay sa isang taning na tinakdaan, na walang pag-aantala rito at walang pagpapauna. Tunay na si Allāh ay hindi nagmamadali dahil sa pagmamadali ng isa.

• تكفل الله تعالى بحفظ القرآن الكريم من التغيير والتبديل، والزيادة والنقص، إلى يوم القيامة.
Naggarantiya si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pag-iingat sa Marangal na Qur'an laban sa pagbabago, pagpapalit, pagdaragdag, at pagbabawas hanggang sa Araw ng Pagbangon.

 
Firo maanaaji Simoore.: Simoore Al-hijri
Loowdi cimooje ɗe Tonngoode hello ngon
 
Firo maanaaji Alqur'aana Teddunde nden - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Loowdi firooji ɗi

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddu