Check out the new design

Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. * - Tərcumənin mündəricatı

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Mənaların tərcüməsi Surə: əl-Əraf   Ayə:

Al-A‘rāf

الٓمٓصٓ
Alif. Lām. Mīm. Sād.[1]
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Ərəbcə təfsirlər:
كِتَٰبٌ أُنزِلَ إِلَيۡكَ فَلَا يَكُن فِي صَدۡرِكَ حَرَجٞ مِّنۡهُ لِتُنذِرَ بِهِۦ وَذِكۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
[Ito ay] isang Aklat na pinababa sa iyo, kaya huwag magkaroon sa dibdib mo ng pagkaasiwa mula rito, upang magbabala ka sa pamamagitan nito at bilang paalaala para sa mga mananampalataya.
Ərəbcə təfsirlər:
ٱتَّبِعُواْ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡ وَلَا تَتَّبِعُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَۗ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
Sumunod kayo sa pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo at huwag kayong sumunod sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik. Kakaunti ang isinasaalaala ninyo!
Ərəbcə təfsirlər:
وَكَم مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَا فَجَآءَهَا بَأۡسُنَا بَيَٰتًا أَوۡ هُمۡ قَآئِلُونَ
Kay rami ng [makasalanang] pamayanang ipinahamak Namin[2] saka dumating doon ang parusa Namin sa magdamag o habang sila ay mga umiidlip sa hapon,
[2] dahil sa pagpupumilit sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw
Ərəbcə təfsirlər:
فَمَا كَانَ دَعۡوَىٰهُمۡ إِذۡ جَآءَهُم بَأۡسُنَآ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
saka walang iba ang panawagan nila noong dumating sa kanila ang parusa Namin maliban na nagsabi sila: “Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan.”
Ərəbcə təfsirlər:
فَلَنَسۡـَٔلَنَّ ٱلَّذِينَ أُرۡسِلَ إِلَيۡهِمۡ وَلَنَسۡـَٔلَنَّ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Saka talagang magtatanong nga Kami sa mga pinagsuguan at talagang magtatanong nga Kami sa mga isinugo.
Ərəbcə təfsirlər:
فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيۡهِم بِعِلۡمٖۖ وَمَا كُنَّا غَآئِبِينَ
Kaya talagang magsasalaysay nga Kami sa kanila [ng mga ginawa nila] nang may kaalaman at Kami lagi ay hindi nakaliban.
Ərəbcə təfsirlər:
وَٱلۡوَزۡنُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّۚ فَمَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Ang pagtitimbang sa Araw na iyon ay ang katotohanan. Kaya ang mga bumigat ang mga timbangan nila [ng kabutihan], ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
Ərəbcə təfsirlər:
وَمَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُم بِمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَظۡلِمُونَ
Ang mga gumaan ang mga timbangan nila [ng kabutihan], ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila dahil sila noon sa mga tanda Namin ay lumalabag sa katarungan.
Ərəbcə təfsirlər:
وَلَقَدۡ مَكَّنَّٰكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِيهَا مَعَٰيِشَۗ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ
Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa inyo sa lupa at gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!
Ərəbcə təfsirlər:
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَٰكُمۡ ثُمَّ صَوَّرۡنَٰكُمۡ ثُمَّ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ لَمۡ يَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ
Talaga ngang lumikha Kami sa inyo. Pagkatapos nag-anyo Kami sa inyo. Pagkatapos nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas; hindi siya naging kabilang sa mga nagpapatirapa.
Ərəbcə təfsirlər:
 
Mənaların tərcüməsi Surə: əl-Əraf
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. - Tərcumənin mündəricatı

Tərcümə "Ruvvad" tərcümə mərkəzi tərəfindən "Rəbva" dəvət cəmiyyəti və İslam məzmununun dillərə xidmət cəmiyyəti ilə birgə əməkdaşlığı ilə tərcümə edilmişdir.

Bağlamaq