Check out the new design

Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. * - Tərcumənin mündəricatı

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Mənaların tərcüməsi Surə: Yusuf   Ayə:
وَرَٰوَدَتۡهُ ٱلَّتِي هُوَ فِي بَيۡتِهَا عَن نَّفۡسِهِۦ وَغَلَّقَتِ ٱلۡأَبۡوَٰبَ وَقَالَتۡ هَيۡتَ لَكَۚ قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ رَبِّيٓ أَحۡسَنَ مَثۡوَايَۖ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya ang [babaing] siya ay nasa bahay nito. Pinagsasara nito ang mga pinto at sinabi: “Heto ako para sa iyo!” Nagsabi siya: “Pagpapakupkop kay Allāh! Tunay na siya ay panginoon ko; gumawa siya ng maganda sa panunuluyan ko. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.”
Ərəbcə təfsirlər:
وَلَقَدۡ هَمَّتۡ بِهِۦۖ وَهَمَّ بِهَا لَوۡلَآ أَن رَّءَا بُرۡهَٰنَ رَبِّهِۦۚ كَذَٰلِكَ لِنَصۡرِفَ عَنۡهُ ٱلسُّوٓءَ وَٱلۡفَحۡشَآءَۚ إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Talaga ngang nagbalak ito sa kanya; at nagbalak sana siya, kung sakaling hindi siya nakakita ng patotoo ng Panginoon niya. Gayon ay upang maglihis Kami palayo sa kanya ng kasagwaan at kahalayan. Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga itinatangi.
Ərəbcə təfsirlər:
وَٱسۡتَبَقَا ٱلۡبَابَ وَقَدَّتۡ قَمِيصَهُۥ مِن دُبُرٖ وَأَلۡفَيَا سَيِّدَهَا لَدَا ٱلۡبَابِۚ قَالَتۡ مَا جَزَآءُ مَنۡ أَرَادَ بِأَهۡلِكَ سُوٓءًا إِلَّآ أَن يُسۡجَنَ أَوۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Nag-unahan silang dalawa sa pinto, nakalaslas ito sa damit niya mula sa likuran, nakasumpong silang dalawa sa asawa nito sa gilid ng pintuan, at nagsabi ito: “Walang iba ang ganti sa sinumang nagnanais sa maybahay mo ng isang kasagwaan kundi na ibilanggo siya o [patawan ng] isang pagdurusang masakit.”
Ərəbcə təfsirlər:
قَالَ هِيَ رَٰوَدَتۡنِي عَن نَّفۡسِيۚ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن قُبُلٖ فَصَدَقَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi siya: “Siya ay nagtangkang umakit sa akin palayo sa sarili ko.” Sumaksi ang isang tagasaksi kabilang sa kasambahay nito, [na nagsasabi]: “Kung nangyaring ang kamisa niya ay nalaslas mula sa harapan, nagpakatotoo ito at siya ay kabilang sa mga sinungaling.
Ərəbcə təfsirlər:
وَإِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ فَكَذَبَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Kung nangyaring ang kamisa niya ay nalaslas mula sa likuran, nagsinungaling ito at siya ay kabilang sa mga tapat.”
Ərəbcə təfsirlər:
فَلَمَّا رَءَا قَمِيصَهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ قَالَ إِنَّهُۥ مِن كَيۡدِكُنَّۖ إِنَّ كَيۡدَكُنَّ عَظِيمٞ
Kaya noong nakakita iyon[5] sa kamisa niya na nalaslas mula sa likuran, nagsabi iyon: “Tunay na ito ay bahagi ng panlalansi ninyo [na mga babae]; tunay na ang panlalansi ninyo [na mga babae] ay sukdulan.
[5] Ibig sabihin: ang panginoon ni Jose at asawa ng babae.
Ərəbcə təfsirlər:
يُوسُفُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَاۚ وَٱسۡتَغۡفِرِي لِذَنۢبِكِۖ إِنَّكِ كُنتِ مِنَ ٱلۡخَاطِـِٔينَ
Jose, magsawalang-bahala ka tungkol dito! [Maybahay,] humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo! Tunay na ikaw ay kabilang sa mga nagkakamali.
Ərəbcə təfsirlər:
۞ وَقَالَ نِسۡوَةٞ فِي ٱلۡمَدِينَةِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ تُرَٰوِدُ فَتَىٰهَا عَن نَّفۡسِهِۦۖ قَدۡ شَغَفَهَا حُبًّاۖ إِنَّا لَنَرَىٰهَا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
May nagsabing mga babae sa lungsod: “Ang maybahay ng Makapangyarihan[6] ay nagtatangkang umakit sa binatang alipin niya sa sarili nito; nagpahumaling ito sa kanya sa pag-ibig. Tunay na kami ay nagtuturing sa kanya na nasa isang pagkaligaw na malinaw.”
[6] Ito ang katawagan sa panginoon ni Jose at asawa ng babae.
Ərəbcə təfsirlər:
 
Mənaların tərcüməsi Surə: Yusuf
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. - Tərcumənin mündəricatı

Tərcümə "Ruvvad" tərcümə mərkəzi tərəfindən "Rəbva" dəvət cəmiyyəti və İslam məzmununun dillərə xidmət cəmiyyəti ilə birgə əməkdaşlığı ilə tərcümə edilmişdir.

Bağlamaq