Check out the new design

Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. * - Tərcumənin mündəricatı

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Mənaların tərcüməsi Surə: Hud   Ayə:
قَالَ يَٰنُوحُ إِنَّهُۥ لَيۡسَ مِنۡ أَهۡلِكَۖ إِنَّهُۥ عَمَلٌ غَيۡرُ صَٰلِحٖۖ فَلَا تَسۡـَٔلۡنِ مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٌۖ إِنِّيٓ أَعِظُكَ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Nagsabi Siya: “O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito[10] ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang.”
[10] O Tunay na siya
Ərəbcə təfsirlər:
قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِكَ أَنۡ أَسۡـَٔلَكَ مَا لَيۡسَ لِي بِهِۦ عِلۡمٞۖ وَإِلَّا تَغۡفِرۡ لِي وَتَرۡحَمۡنِيٓ أَكُن مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Nagsabi siya: “O Panginoon ko, tunay ako ay nagpapakupkop sa Iyo na humiling ako sa Iyo ng wala akong kaalaman hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako ay magiging kabilang sa mga lugi.”
Ərəbcə təfsirlər:
قِيلَ يَٰنُوحُ ٱهۡبِطۡ بِسَلَٰمٖ مِّنَّا وَبَرَكَٰتٍ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ أُمَمٖ مِّمَّن مَّعَكَۚ وَأُمَمٞ سَنُمَتِّعُهُمۡ ثُمَّ يَمَسُّهُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Sinabi: “O Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga pagpapala sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa sinumang kasama sa iyo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit.”
Ərəbcə təfsirlər:
تِلۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهَآ إِلَيۡكَۖ مَا كُنتَ تَعۡلَمُهَآ أَنتَ وَلَا قَوۡمُكَ مِن قَبۡلِ هَٰذَاۖ فَٱصۡبِرۡۖ إِنَّ ٱلۡعَٰقِبَةَ لِلۡمُتَّقِينَ
Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid, na ikinakasi Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.
Ərəbcə təfsirlər:
وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۖ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا مُفۡتَرُونَ
[Nagsugo sa liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Walang iba kayo kundi mga gumagawa-gawa [ng kasinungalingan.]”
Ərəbcə təfsirlər:
يَٰقَوۡمِ لَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًاۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَى ٱلَّذِي فَطَرَنِيٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
O mga kalipi ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa lumalang sa akin. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
Ərəbcə təfsirlər:
وَيَٰقَوۡمِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا وَيَزِدۡكُمۡ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمۡ وَلَا تَتَوَلَّوۡاْ مُجۡرِمِينَ
O mga kalipi ko, humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magsusugo Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin.
Ərəbcə təfsirlər:
قَالُواْ يَٰهُودُ مَا جِئۡتَنَا بِبَيِّنَةٖ وَمَا نَحۡنُ بِتَارِكِيٓ ءَالِهَتِنَا عَن قَوۡلِكَ وَمَا نَحۡنُ لَكَ بِمُؤۡمِنِينَ
Nagsabi sila: “O Hūd, hindi ka nagdala sa amin ng isang malinaw na patunay [sampalatayanan ka]. Kami ay hindi mga mag-iiwan ng mga diyos namin dahil sa sabi mo at kami sa iyo ay hindi mga maniniwala.
Ərəbcə təfsirlər:
 
Mənaların tərcüməsi Surə: Hud
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. - Tərcumənin mündəricatı

Tərcümə "Ruvvad" tərcümə mərkəzi tərəfindən "Rəbva" dəvət cəmiyyəti və İslam məzmununun dillərə xidmət cəmiyyəti ilə birgə əməkdaşlığı ilə tərcümə edilmişdir.

Bağlamaq