للإطلاع على الموقع بحلته الجديدة

ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة * - فهرس التراجم

PDF XML CSV Excel API
تنزيل الملفات يتضمن الموافقة على هذه الشروط والسياسات

ترجمة معاني سورة: المائدة   آية:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا قُمۡتُمۡ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ فَٱغۡسِلُواْ وُجُوهَكُمۡ وَأَيۡدِيَكُمۡ إِلَى ٱلۡمَرَافِقِ وَٱمۡسَحُواْ بِرُءُوسِكُمۡ وَأَرۡجُلَكُمۡ إِلَى ٱلۡكَعۡبَيۡنِۚ وَإِن كُنتُمۡ جُنُبٗا فَٱطَّهَّرُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُم مِّنۡهُۚ مَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيَجۡعَلَ عَلَيۡكُم مِّنۡ حَرَجٖ وَلَٰكِن يُرِيدُ لِيُطَهِّرَكُمۡ وَلِيُتِمَّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
O mga sumampalataya, kapag tumayo kayo patungo sa pagdarasal ay maghugas kayo ng mga mukha ninyo, mga kamay ninyo hanggang sa mga siko – magpahid kayo sa mga ulo ninyo – at mga paa ninyo hanggang sa mga bukungbukong. Kung kayo ay kailangang-maligo ay maligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit o nasa isang paglalakbay, o dumating ang isa sa inyo mula sa dumihan, o sumaling[7] kayo ng mga babae saka hindi kayo nakatagpo ng tubig, ay magsadya kayo sa isang lupang kaaya-aya saka magpahid kayo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo [ng alikabok] mula roon. Hindi nagnanais si Allāh na maglagay sa inyo ng anumang pagkaasiwa, subalit nagnanais Siya na dumalisay sa inyo at lumubos sa pagpapala Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya].
[7] Ibig sabihin: nakipagtalik.
التفاسير العربية:
وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَمِيثَٰقَهُ ٱلَّذِي وَاثَقَكُم بِهِۦٓ إِذۡ قُلۡتُمۡ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَاۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo at kasunduan Niya na nakipagkasunduan Siya sa inyo sa pamamagitan nito noong nagsabi kayo: “Nakarinig kami at tumalima kami.” Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
التفاسير العربية:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُواْ قَوَّٰمِينَ لِلَّهِ شُهَدَآءَ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَلَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شَنَـَٔانُ قَوۡمٍ عَلَىٰٓ أَلَّا تَعۡدِلُواْۚ ٱعۡدِلُواْ هُوَ أَقۡرَبُ لِلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
O mga sumampalataya, kayo ay maging mga mapagpanatili para kay Allāh, mga saksi sa pagkamakatarungan. Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo magmakatarungan. Magmakatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.
التفاسير العربية:
وَعَدَ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٌ عَظِيمٞ
Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].
التفاسير العربية:
 
ترجمة معاني سورة: المائدة
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة - فهرس التراجم

ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع جمعية الدعوة بالربوة وجمعية خدمة المحتوى الإسلامي باللغات وموقع IslamHouse.com.

إغلاق