Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል * - የትርጉሞች ማዉጫ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል አሕዛብ   አንቀጽ:
وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٖ وَلَا مُؤۡمِنَةٍ إِذَا قَضَى ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَمۡرًا أَن يَكُونَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُ مِنۡ أَمۡرِهِمۡۗ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلٗا مُّبِينٗا
Hindi naging ukol sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humusga si Allāh at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol sa kanila. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malinaw.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَإِذۡ تَقُولُ لِلَّذِيٓ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَأَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِ أَمۡسِكۡ عَلَيۡكَ زَوۡجَكَ وَٱتَّقِ ٱللَّهَ وَتُخۡفِي فِي نَفۡسِكَ مَا ٱللَّهُ مُبۡدِيهِ وَتَخۡشَى ٱلنَّاسَ وَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَىٰهُۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيۡدٞ مِّنۡهَا وَطَرٗا زَوَّجۡنَٰكَهَا لِكَيۡ لَا يَكُونَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ حَرَجٞ فِيٓ أَزۡوَٰجِ أَدۡعِيَآئِهِمۡ إِذَا قَضَوۡاْ مِنۡهُنَّ وَطَرٗاۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولٗا
[Banggitin, O Propeta Muḥammad] noong nagsasabi ka [kay Zayd bin Ḥārithah na] biniyayaan ni Allāh [ng Islām] at biniyayaan mo [ng pagpapalaya]: “Magpanatili ka sa iyo ng maybahay mo at mangilag kang magkasala kay Allāh,” samantalang nagkukubli ka sa sarili mo ng bagay na si Allāh ay maglalantad nito at natatakot ka sa mga tao samantalang si Allāh ay higit na karapat-dapat na matakot ka sa Kanya. Kaya noong nakatapos si Zayd mula sa kanya ng isang pangangailangan, ipinakasal Namin siya sa iyo upang walang mangyari sa mga mananampalataya na isang kaasiwaan sa mga maybahay ng mga ampon nila kapag nakatapos ang mga ito mula sa mga iyon ng isang pangangailangan. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
مَّا كَانَ عَلَى ٱلنَّبِيِّ مِنۡ حَرَجٖ فِيمَا فَرَضَ ٱللَّهُ لَهُۥۖ سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قَدَرٗا مَّقۡدُورًا
Hindi nangyaring sa Propeta ay may anumang kaasiwaan sa anumang isinatungkulin ni Allāh para sa kanya. Bilang kalakaran ni Allāh sa mga nakalipas bago pa niyan. Laging ang kautusan ni Allāh ay isang pagtatakdang itinakda.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ٱلَّذِينَ يُبَلِّغُونَ رِسَٰلَٰتِ ٱللَّهِ وَيَخۡشَوۡنَهُۥ وَلَا يَخۡشَوۡنَ أَحَدًا إِلَّا ٱللَّهَۗ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ حَسِيبٗا
[Itong mga propeta ay] ang mga nagpapaabot ng mga pasugo ni Allāh at natatakot sa Kanya at hindi natatakot sa isa man maliban kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Mapagtuos.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
مَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَآ أَحَدٖ مِّن رِّجَالِكُمۡ وَلَٰكِن رَّسُولَ ٱللَّهِ وَخَاتَمَ ٱلنَّبِيِّـۧنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ ذِكۡرٗا كَثِيرٗا
O mga sumampalataya, mag-alaala kayo kaya Allāh nang pag-aalaalang madalas
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَسَبِّحُوهُ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلًا
at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at gabi.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
هُوَ ٱلَّذِي يُصَلِّي عَلَيۡكُمۡ وَمَلَٰٓئِكَتُهُۥ لِيُخۡرِجَكُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَكَانَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ رَحِيمٗا
Siya ay ang nagbabasbas sa inyo at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon], upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል አሕዛብ
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል - የትርጉሞች ማዉጫ

ሩዋድ የትርጉም ማዕከል ከ ረብዋ የዳዕዋ ማህበር እና ከ የእስልምና ይዘት በተለያዩ ቋንቋዎች አገልግሎት ማህበር ጋር በመተባበር የተተረጎመ

መዝጋት