Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል * - የትርጉሞች ማዉጫ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል-በቀራህ   አንቀጽ:
لَّا يُؤَاخِذُكُمُ ٱللَّهُ بِٱللَّغۡوِ فِيٓ أَيۡمَٰنِكُمۡ وَلَٰكِن يُؤَاخِذُكُم بِمَا كَسَبَتۡ قُلُوبُكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٞ
Hindi magpapanagot sa inyo si Allāh sa pagkakamali sa mga panunumpa ninyo subalit magpapanagot Siya sa inyo kinamit ng mga puso ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
لِّلَّذِينَ يُؤۡلُونَ مِن نِّسَآئِهِمۡ تَرَبُّصُ أَرۡبَعَةِ أَشۡهُرٖۖ فَإِن فَآءُو فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Ukol sa mga nanunumpang tatangging makipagtalik sa mga maybahay nila ay pag-antabay ng apat na buwan; ngunit kung bumalik sila [sa dati], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَإِنۡ عَزَمُواْ ٱلطَّلَٰقَ فَإِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
Kung nagtika sila ng diborsiyo, tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَٱلۡمُطَلَّقَٰتُ يَتَرَبَّصۡنَ بِأَنفُسِهِنَّ ثَلَٰثَةَ قُرُوٓءٖۚ وَلَا يَحِلُّ لَهُنَّ أَن يَكۡتُمۡنَ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ فِيٓ أَرۡحَامِهِنَّ إِن كُنَّ يُؤۡمِنَّ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَبُعُولَتُهُنَّ أَحَقُّ بِرَدِّهِنَّ فِي ذَٰلِكَ إِنۡ أَرَادُوٓاْ إِصۡلَٰحٗاۚ وَلَهُنَّ مِثۡلُ ٱلَّذِي عَلَيۡهِنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۚ وَلِلرِّجَالِ عَلَيۡهِنَّ دَرَجَةٞۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Ang mga babaing diniborsiyo ay mag-aantabay sa mga sarili nila ng tatlong buwanang dalaw. Hindi ipinahihintulot sa kanila na ikubli nila ang nilikha ni Allāh sa mga sinapupunan nila, kung sila ay sumasampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay. Ang mga asawa nila ay higit na karapat-dapat sa pagbawi sa kanila sa [panahong] iyon kung nagnais ang mga ito ng isang pagsasaayos. Ukol sa kanila ang tulad ng tungkulin sa kanila ayon sa nakabubuti. Ukol sa mga lalaki sa tungkulin sa kanila ay isang antas [higit sa tungkulin nila]. Si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ٱلطَّلَٰقُ مَرَّتَانِۖ فَإِمۡسَاكُۢ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ تَسۡرِيحُۢ بِإِحۡسَٰنٖۗ وَلَا يَحِلُّ لَكُمۡ أَن تَأۡخُذُواْ مِمَّآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ شَيۡـًٔا إِلَّآ أَن يَخَافَآ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۖ فَإِنۡ خِفۡتُمۡ أَلَّا يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَا فِيمَا ٱفۡتَدَتۡ بِهِۦۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَعۡتَدُوهَاۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Ang [magkakabalikang] diborsiyo ay dalawang ulit, kaya [matapos nito ay] pagpapanatili ayon sa nakabubuti o pagpapalaya ayon sa pagmamagandang-loob. Hindi ipinahihintulot para sa inyo na kumuha kayo mula sa ibinigay ninyo sa kanila na anuman maliban na mangamba silang dalawa na hindi silang dalawa makapagpanatili sa mga hangganan ni Allāh. Kaya kung nangangamba kayo na hindi silang dalawa makapagpanatili sa mga hangganan ni Allāh, walang maisisisi sa kanilang dalawa kaugnay sa pagtubos [ng maybahay sa sarili]. Iyon ay mga hangganan ni Allāh kaya huwag kayong lumabag sa mga iyon. Ang sinumang lumampas sa mga hangganan ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَإِن طَلَّقَهَا فَلَا تَحِلُّ لَهُۥ مِنۢ بَعۡدُ حَتَّىٰ تَنكِحَ زَوۡجًا غَيۡرَهُۥۗ فَإِن طَلَّقَهَا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يَتَرَاجَعَآ إِن ظَنَّآ أَن يُقِيمَا حُدُودَ ٱللَّهِۗ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ يُبَيِّنُهَا لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Kung nagdiborsiyo siya rito [sa ikatlong pagkakataon] ay hindi na ito ipinahihintulot sa kanya matapos na niyan hanggang sa makapag-asawa ito ng isang asawang iba pa sa kanya. Kung nagdiborsiyo naman iyon rito ay walang maisisisi sa kanilang dalawa na magbalikan silang dalawa kung nagpalagay silang dalawa na makapagpanatili silang dalawa sa mga hangganan ni Allāh. Iyon ay mga hangganan ni Allāh; naglilinaw Siya sa mga ito para sa mga taong umaalam.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል-በቀራህ
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል - የትርጉሞች ማዉጫ

ሩዋድ የትርጉም ማዕከል ከ ረብዋ የዳዕዋ ማህበር እና ከ የእስልምና ይዘት በተለያዩ ቋንቋዎች አገልግሎት ማህበር ጋር በመተባበር የተተረጎመ

መዝጋት